Nabakunahan na laban sa COVID-19 si House Committee on Health chairperson at Quezon Rep. Angelina Helen Tan ng unang dose ng Sinovac.
Ginawa ang pagbabakuna kay Tan na isa ring doktor sa Veterans Memorial Medical Center o VMMC sa Quezon City.
Dahil sa pagbakuna kay Tan, siya ang unang miyembro ng Kamara na “legal” na naturukan ng COVID-19 vaccine.
Ayon naman kay Tan, huwag dapat matakot ang publiko na magpabakuna.
Kailangan din aniyang maprotektahan ang isa’t isa upang sabay-sabay na malagpasan ang pandemya.
Hinihimok din ng kongresista ang mga tao na suportahan at magtiwala sa vaccination program ng pamahalaan upang matuldukan na ang COVID-19 pandemic.
“Huwag tayong matakot magpabakuna, protektahan natin ang isa’t-isa upang sabay-sabay nating malagpasan ang pandemya. Let’s support the government’s vaccination program and help stop the COVID-19 pandemic”, saad ni Tan.
Ang COVID-19 vaccination kay Tan ay dahil sa kanyang panganay na anak na isang surgeon sa VMMC.
May alokasyon ang mga kaanak ng health care worker sa naturang ospital para mabakunahan na rin laban sa COVID-19.