Global death toll bunsod ng COVID-19, halos 2.55 milyon na

Pumalo na sa higit 2.55 milyon ang bilang ng mga nasawing COVID-19 patient sa buong mundo.

Batay sa huling tala, umakyat na sa kabuuang 2,550,296 ang nasawi sa iba’t ibang bansa bunsod ng nakakahawang sakit.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang nasawi dahil sa COVID-19 ang Estados Unidos na may 527,226.

Sumunod na rito ang Brazil na may 255,836 na pumanaw bunsod ng pandemiya.

Nasa 186,152 naman ang death toll sa Mexico habang 157,275 ang napaulat na nasawi sa India.

Narito naman ang naitalang COVID-19 death toll sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 122,953
– Italy – 97,945
– France – 86,803
– Russia – 86,455
– Germany – 70,924
– Spain – 69,609
– Iran – 60,181
– Colombia – 59,866
– Argentina – 52,077
– South Africa – 50,077

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 114,994,723 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nasa 90,720,332 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...