13 katao na naturukan ng Sinovac vaccine nakaranas ng negatibong epekto sa katawan
Labing tatlo katao na tinurukan ng bakuna kontra Covid 19 na gawa ng Sinovac ang nakaranas ng negatibong epekto sa katawan.
Ayon kay Health Undersecretary Rosario Vergeire, isa sa 13 naturukan ang nakaranas ng hypertension, tatlo ang nakaranas ng arm pain, isa ang nagkaroon ng rashes o pangangati sa katawan, isa ang sumakit ang ulo, isa ang nahilo at nagsuka.
Hindi naman na tinukoy ni Vergeire kung anong negatibong epekto ang naranasan ng anim na iba pa.
“There were 13 adverse events following immunization that were noted yesterday among all of these vacinees in these different hospitals. All of them are common and minor adverse events,” pahayag ni Vergeire.
Agad namang inobserbahan ang 13 katao at pinauwi ng bahay.
Payo ng DOH sa mga naturukan na ng bakuna, huwag matakot at mangamba dahil mild lang naman ang naging negatibong epekto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.