Paglalatag ng National Vaccination Program pinapaspasan ng gobyerno, pagtitiyak ni Sen. Bong Go

By Jan Escosio March 02, 2021 - 11:24 AM

(Contributed photo)

Siniguro ni Senator Christopher “Bong” Go na walang sinasayang na panahon at pagkakataon ang administrasyong-Duterte sa mabilis na pagkasa ng National Vaccination Program.

Kasabay ito nang inaasahang pagdating na sa bansa ng mga bakuna laban sa coronavirus sa mga darating na araw.

“This is just the start. We need to do more. We need to accelerate the vaccination program in a safe, sure and secure manner,” sabi ni Go.

Ibinahagi ng senador na ang gusto ni Pangulong Duterte ay maipadala ang mga bakuna sa pangunahing lugar, mula Luzon hanggang Mindanao.

“Ang gusto ng mahal na Pangulo ay ilalagay ang mga bakuna sa strategic places. Of course, sa Visayas, sa mga naka-ready na pasilidad doon sa hospital sa Vicente Sotto Memorial Medical Center (sa Cebu City). Sa Davao City, sa Southern Philippines Medical Center dahil nakapaghanda na rin sila doon. Ang gusto ni Pangulo distributed all over the country,” dugtong pa ng senador.

Kasabay nito ang muli niyang panawagan ng pagkakaisa at pinuri ang mga kapwa senador, sina Senate President Vicente Sotto III, Senate Majority Leader Miguel Zubiri, Minority Leader Senator Franklin Drilon, at Senator Sonny Angara, sa mabilis na pagpasa sa COVID-19 Vaccination Program Act.

TAGS: bong go, National Vaccination Program, Rodrigo Duterte, bong go, National Vaccination Program, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.