Prinsepe ng Monaco haharap bukas sa Malacañang

Prince Albert II of MonacoMaghaharap bukas sa Malacañang sina Pangulong Noynoy Aquino at ang prinsepe ng Monaco na si Prince Albert II.

Si Prince Albert ay bibisita bukas kay pangulo bilang bahagi ng official visit nito sa Pilipinas.

Bukas, mag-aalay ng bulaklak ang prinsepe sa bantayog ni Gat Jose Rizal sa Luneta park bago magtungo sa Malacañang.

Pagkatapos sa Malacañang, lilipad si Prince Albert sa Palawan bandang alas kuwatro ng hapon.

Dumating si Prince Albert sa bansa kaninang 6:20 ng gabi kasama ang sampu ng kanyang delegasyon.

 

 

Read more...