Duterte kay Robredo: Bigyan kita ng pera, mamalengke ka ng bakuna

By Chona Yu March 02, 2021 - 09:58 AM

Mamalengke ka.

Utos ito ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Vice President Leni Robredo para mamili ng bakuna kontra Covid 19 sa labas ng bansa.

Ayon sa Pangulo, bibigyan niya ng pera si Robredo para bumili ng bakuna.

“Ngayon, kung gusto mo talaga para mahinto ka, kunin mo ‘yong basket mo, mamalengke ka doon sa labas ng bakuna. Bigyan kita pera para kung may mabili ka, bilhin mo na kaagad at umuwi ka dito sa Pilipinas, ibigay mo doon sa mga doktor,” pahayag ng Pangulo.

Paliwanag ng Pangulo, pahirapan ang pagbili ng bakuna ngayon dahil sa mataas ng demand sa iba’t- ibang bahagi ng mundo.

“Ganito na lang, sabihin ko sa iyo ulit kung marunong kang makinig: walang bakuna ngayon available, either hingiin mo, nakawin mo o bayaran mo. Not only the Philippines, as stated by earlier — binigyan tayo ng worldwide situation ng vaccine. Hirap rin sila. Ang Amerika mayroon pero inuuna nila,” pahayag ng Pangulo.

 

 

 

TAGS: COVID-19, Leni Robredo, Rodrigo Duterte, vaccine, COVID-19, Leni Robredo, Rodrigo Duterte, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.