Duterte kay Robredo: “You seem to have an angel face but a devilish mind”

March 02, 2021 - 08:56 AM

File photo

May anghel na pagmumukha pero may demonyong isip.

Ganito inilarawan ni Pangulong Rodrigo Duterte si Vice President Leni Robredo sa gitna ng hamon ng huli na magpabakuna na kontra Covid 19 ang punong ehekutibo.

“You have a very — you seem to have an angel face but a devilish mind. Marunong kang mag-ano. Iyang pagduda mo kasi tapos na ako kaya you want me to go into a trap of saying things which are not appropriate,” pahayag ng Pangulo.

Hamon ng Pangulo kay Robredo, maunang magpabakuna dahil mas kwalipikado ang bise president na maturukan ng SInovac.

“Ngayon ipakita ko. Ngayon gusto ko ‘pag mag-injection ako nandiyan ka, dito sa Malacañan kay sabihin ko matanda naman ako, kalahati lang ang akin. Ipastada mo ‘yong pu — doon iturok sa iyo to add protection to your good health,” pahayag ng Pangulo.

Ayon sa Pangulo, pinipilit ni Robredo na maging makabuluhan kung kaya nagbibigay ng kaliwa’t kanang pahayag.

“Iyan ang mahirap sa iyo and every day you have a narrative. Noong una, sabi mo na kulang dito, ganoon then kailangan… Was it yesterday you said, “Our frontline workers deserves the best.” Wala akong problema ‘yan. Mas magsakit ang ulo ko kung wala siya,” pahayag ng Pangulo.

“Kayo, ikaw, sige ka lang salita diyan, wala ka namang ginagawa, sige ka issue-issue ng statement. Do you know what? Because you want to be relevant here. Gusto mong sumali sa laro na para mapakinggan ka rin,”dagdag ng Pangulo.

 

 

TAGS: Angel face, COVID-19, devilish mind, leni robredo, Rodrigo Duterte, Sinovac, vaccine, Angel face, COVID-19, devilish mind, leni robredo, Rodrigo Duterte, Sinovac, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.