Hamon ni Robredo na magpabakuna kontra Covid 19 si Pangulong Duterte patibong lang

By Chona Yu March 02, 2021 - 08:44 AM

File photo

Patibong at pain lamang para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang mga hamon ni Vice President Leni Robredo na magpabakuna na kontra sa Covid 19.

Ayon sa Pangulo, ipinipilit ni Robredo na palabasin na tapos nang mabakunahan ang Pangulo noong nakaraang taon.

“Lalo na itong si Mareng Leni, sabi niya na mauna ako. You know, in the protocol, ako, ang edad namin na — ang — the preferential right is given to 16 o 18 above, tapos 59. Ako ho Mareng Leni, 70 na, 70 — ah hindi pala, 67 lang pala,” pahayag ng Pangulo.

“Eh masyado kang apurado. Sa protocol nga, we are not even considered as those needing or occupy a priority in the application of COVID. Mahirap kasi ‘yang ano mo, you are baiting me. Alam mo kung bakit? Nagdududa ka kasi na nagpabakuna na ako kasama ng mga sundalo. Kaya panay ang tikoy, tikoy, tikoy ‘yang… Ginaganoon mo, sige magsalita ka,”pahayag ng Pangulo.

Nakadidismaya ayon sa Pangulo na nagdududa si Robredo na nabakunahan na siya kasama ng mga sundalo.

Sa ngayon, Sinovac ang bukod tanging bakuna na nasa bansa.

Nakasaad sa rekomendasyon ng Sinovac na ang mga nag-eedad 18 hanggang 59 taon lamang ang maaring turukan ng bakuna.

Mag-eedad 77 anyos na si Pangulong Duterte ngayong buwan ng Marso.

TAGS: baiting me, COVID-19, leni robredo, pain, Rodrigo Duterte, Sinovac, vaccine, baiting me, COVID-19, leni robredo, pain, Rodrigo Duterte, Sinovac, vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.