Child abuse case, ikakasa sa manyak na taxi driver

By Jan Escosio April 06, 2016 - 05:58 PM

Cebu-TaxiMahaharap sa kasong paglabag sa Child Protection Act ang driver ng Uber taxi na inakusahan ng tatlong kolehiyala ng paggawa ng kahalayan habang ipinagmamaneho sila nito noong nakaraang linggo.

Sa pagdinig sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board, sinabi ni Jordan Tolentino, ama ng 17 anyos na dalagita, na pinag-aaralan pa rin ng kanilang mga abogado ang pagsasampa ng mga karagdagang reklamo laban sa driver na si Raul Lumindilla.

Ayon kay Tolentino, maaaring ireklamo pa nila si Lumindilla ng unjust vexation at acts of lasciviousness sabay dagdag na nakakapasok na ng eskuwelahan muli ang kanyang anak ngunit takot pa rin itong sumakay ng taxi dahil sa pangyayari.

Magugunita na noong March 30 nang laruin diumano ng driver ang kanyang ari habang sakay niya ang anak ni Tolentino at dalawang kaibigan nito.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.