Early enrollment para SY 2021 – 2022 muling iniurong ng DepEd sa Abril

By Jan Escosio March 02, 2021 - 08:25 AM

File Photo

Dahil sa naging pagbabago sa school calendar noong nakaraang taon, nagdesisyon ang DepEd na iurong sa Abril ang dapat na early registration para sa school year 2021 – 2022 na nakatakda ngayon buwan.

Sinabi ni Education Undersecretary for Planning, Human Resource and Organizational Development, and Field Operations Jesus Mateo ang orihinal na petsa ng early registration ay noon pang Enero ngunit dahil sa naantalang pagsisimula muli ng mga klase noong nakaraang taon ay ginawa na lang itong Marso.

Sinabi naman ni Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio ang kanilang bagong target ngayon ay sa Abril.

Hinihikayat muli ni Mateo ang mga magulang na maagang i-enroll ang kanilang mga anak.

Ikinakasa ang Early Registration para matiyak na ang mga papasok na Kindergarten, Grades 1, 7, at 11 learners sa mga public at private elementary at high schools nationwide sa buong bansa ay naitatala na agad ilang buwan bago pa ang opisyal na pagsisimula muli ng mga klase.

TAGS: abril, deped, enrollment, jesus mateo, Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio, abril, deped, enrollment, jesus mateo, Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.