Ilang parte ng Pampanga, Bulacan makararanas ng pag-ulan

By Angellic Jordan March 01, 2021 - 05:45 PM

Asahang makararanas ng pag-ulan ang ilang bahagi ng lalawigan ng Pampanga at Bulacan.

Batay sa thunderstorm advisory dakong 5:30 ng hapon, iiral ang katamtaman hanggang malakas na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin sa nasabing lalawigan.

Maaapektuhan din nito ang Nueva Ecija partikular sa Talugtug, Guimba, Carranglan at Lupao.

Uulanin din ang Tarlac sa San Clemente, Mayantoc, Camiling at San Jose; Zambales sa Candelaria, Masinloc, Santa Cruz at San Marcelino.

Inabisuhan naman ang publiko na mag-ingat at antabayan ang susunod na update ukol sa lagay ng panahon.

TAGS: Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update March 1, Inquirer News, Pagasa, Radyo Inquirer news, thunderstorm advisory, weather update March 1

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.