Militanteng grupo, kabado sa cover-up sa Kidapawan incident probe
Nagpahayag ng pangamba ang grupong Bayan na wala rin patutunguhan ang pag-iimbestiga ng Pambansang Pulisya sa nangyari sa Kidapawan City.
Ayon kay Bayan Secretary General Renato Reyes Jr., baka magkaroon lang ng cover up sa pag-iimbestiga ng binuong fact finding team ni PNP chief Director General Ricardo Marquez sa katuwiran na ang mga sangkot din ay mga pulis.
Ipinunto pa ni Reyes na isang araw makalipas ang insidente, pinarangalan pa ni Interior Sec. Mel Senen Sarmiento ang mga pulis at aniya pagpapakita na ito na nalinis na sa anumang responsibilidad ang mga sangkot na alagad ng batas.
Dagdag pa nito hindi rin agad sinibak ang mga sangkot na pulis kaya giit ni Reyes ang dapat na mag-imbestiga sa insidente ay isang independent body.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.