BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 578,000 na

Higit 2,000 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Lunes (March 1), umabot na sa 578,381 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 31,708 o 5.5 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 2,037 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

89.3 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.0 porsyento ang asymptomatic; 0.89 porsyento ang moderate; 2.3 porsyento ang severe habang 2.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa apat naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 12,322 o 2.13 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 86 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 534,351 o 92.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...