Pamumuhay ng mga Filipino, may pag-asang bumalik sa normal – Moreno
May nakikita nang pag-asa si Manila Mayor Isko Moreno para bumalik na sa normal ang pamumuhay ng mga Filipino.
Ito ay matapos dumating sa bansa, araw ng Linggo (February 28), ang 600,000 doses ng bakuna kontra COVID-19 na gawa ng Sinovac ng China.
Ayon kay Mayor Isko, hindi na dapat na ipagpabukas pa ang pagpapabakuna.
“Dito magsisimula ang pinapangarap nating pagpunta sa isang panatag na pamumuhay sa mga darating na linggo, buwan, at buong taon ng 2021,” pahayag ni Mayor Isko.
“I will respect your beliefs, your views, pero kung ako’y tatanungin niyo bilang ama niyo sa lungsod — huwag niyong ipagpabukas, huwag niyo ipagbakasali ang kaligtasan niyo. Mahalaga na makamit niyo ang proteksyon sa lalong madaling panahon,” dagdag ng alkalde.
Kasama si Mayor Isko sa ilang Cabinet officials sa pagbubukas ng vaccination program sa Philippine General Hospital.
Ayon kay Mayor Isko, maaaring sa susunod na linggo na siya mabakunahan.
Kailangan kasi aniyang mauna muna ang health workers at iba lang frontliners.
“We will get vaccinated para mahati ko kahit paano ang inyong pangamba. Samahan ko kayo sa inyong pangamba, sasama tayo sa pangamba niyo. Let us save lives,” pahayag ni Mayor Isko.
Kasama sa roll out ng vaccination program sina National Task Force (NTF) against COVID-19 chief implementor Secretary Carlito Galvez Jr.; Presidential Spokesperson Harry Roque Jr.; Department of Health (DOH) Undersecretary and Food and Drug Administration Director General Eric Domingo; Dr. Paz Corrales, assistant regional director ng National Capital Region (NCR) DOH-Centers for Health Development (CHD); at Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.