South Pacific Island Nation na Vanuatu, niyanig ng magnitude 6.9 na lindol

By Marilyn Montaño April 06, 2016 - 04:46 PM

Vanuatu mapNiyanig ng Magnitude 6.9 na lindol ang South Pacific Island Nation na Vanuatu pero wala namang banta ng tsunami at wala pang agarang report ukol sa mga nasaktan o pinsala.

Ayon sa US Geological Survey, ang lindol ay may lalim na 100 kilometers o 60 miles sa kanluran ng Village of Sola at sa 460 kilometers o 290 miles northwest ng capital ng Vanuatu na Port Villa.

Naitala naman sa 33 kilometers o 20 miles ang lalim ng lindol.

Wala pang natanggap ang national disaster management office ng anumang ulat ng pinsala o nasaktan dahil hindi naramdaman ang pagyanig sa capital.

Sinabi rin ng Pacific Tsunami Warning Center na walang banta ng tsunami bunsod ng malakas na lindol.

Ito na ang ikalawang malakas na lindol sa Vanuatu sa linggong ito.

Tumama rin ang parehong magnitude ng lindol noong linggo.

Ang Vanuatu ay nasa ring of fire, ang arc ng seismic faults sa paligid ng Pacific Ocean kung saan madalas ang lindol.

Prone rin ang bansa sa volcanic eruptions at mga bagyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.