Nag-anunsyo ang Meralco ng 22 centavos na dagdag singil sa kuryente ngayong April na nangangahulugan ng 44 pesos na pagtaas sa electricity bill sa kokonsumo ng 220 kilowatts per hour.
Nasa 66 pesos naman ang dagdag sa bill ng kokonsumo ng 300 kilowatts per hour, 88 pesos sa 400 kilowatts per hour at 110 pesos sa 500 kilowatts per hour.
Ayon sa Meralco, ang pagtaas ng bayad ay dahil sa mas mataas na generation charge at ang Feed in Tariff o FIT charge na pinayagan ng kumpanya na kolektahin para sa investment ng renewable sources of energy.
Una nang nagbabala ang Energy Regulatory Commission (ERC) ng mas mataas na power rates sa susunod na mga buwan kasabay ng pag-apruba nito sa mahigit limang bilyong piso para sa ancillary services bukod pa sa FIT increase.
Hiniling na ng mga consumer groups sa ERC na suspendihin ang FIT increase habang wala pang desisyon ang Korte Suprema sa validity nito.