Naipatakbo na sa linya ng Metro Rail Transit Line 3 o MRT-3 ang siyam na bagong general overhauled light rail vehicles (LRVs).
Ayon sa pamunuan ng MRT-3, makatutulong ito para makapagsakay pa ng mas maraming pasahero sa nasabing linya ng tren.
Bahagi ang general overhauling ng LRVs ng maintenance works ng MRT-3 sa tulong ng maintenance provider na Sumitomo-Mitsubishi Heavy Industries.
Sa ngayon, 66 na sa kabuuang 72 LRVs na ang operational sa MRT-3.
Nasa 30 porsyento pa rin ang passenger capacity sa tren kung saan 124 pasahero kada train car o 372 pasahero kada train set ang kayang maisakay.
MOST READ
LATEST STORIES