Sen. JV Ejercito at lima pa, ipinaaaresto ng Sandiganbayan
Ipinag-utos ng Sandiganbayan 5th division ang pag-aresto laban kina Senator JV Ejercito at limang iba pang dati at kasalukuyang opisyal ng San Juan City.
Kasamang inisyuhan ng warrant of arrest sina dating City Administrator Ranulfo Dacalos, Treasurer Rosalinda Marasigan, City Attorney Romualdo Delos Santos, City Budget Officer Lorenza Ching at City Engineer Danilo Mercado.
Sina Ejercito at mga nabanggit ay nahaharap sa kasong graft kaugnay sa umano’y diversion ng 2.1 million pesos na calamity funds ng pamahalaan ng San Juan, bilang pambili ng high powered firearms para sa PNP San Juan noong 2008.
Nauna nang naglabas ang korte ng hold departure order laban kay Ejercito at iba pang co accused nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.