Paggawa sa LRT-2 East Extension Project 96 percent na
Halos isandaang porsyento ng tapos ang Light Rail Transit Line 2 – East Extension Project.
Ayon sa Department of Transportation, hanggang noong katapusan ng Enero ay nasa 96.29 percent na itong tapos.
Dahil dito, itinakda na ng ahensya sa April 26 ng kasalukuyang taon ang pagpapasinaya sa proyekto at kinabukasan ay kaagad itong magsisimula sa partial operations.
Noong buwan ng Enero, personal na ininspeksyon ni Transport Secretary Arthur Tugade, kasama ang ambassador at ibang opisyal ng Embahada ng Japan, at mga opisyal mula sa D.M Consunji Inc. (DMCI) para sa nalalapit na pagbubukas ng pasilidad sa publiko.
Layunin ng LRT-2 East Extension Project na maging konektado ang Metro Manila at lalawigan ng Rizal sa pamamagitan ng pagdurutong ng Santolan station at dalawang karagdagang istasyon papuntang Antipolo sa Rizal.
Sabi ng DOTr, inaasahang malaking ginhawa ang maidudulot nito sa mga pasahero,.
Bukod sa makatutulong ito sa pagluwag ng trapiko ayon sa ahensya mababawasan din nito ang biyahe mula Recto sa Maynila papuntang Antipolo na mula sa dating tatlong oras na biyahe ay magiging 40 minuto na lamang ito.
Ang LRT-2 East Extension project ay bahagi ng BUILD, BUILD, BUILD infrastructure program ng Duterte Administration.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.