Pagdating ng mga bakuna ng Sinovac at AstraZenica, simula ng vaccination program – Sec. Galvez

By Erwin Aguilon February 28, 2021 - 10:19 AM

Photo taken from UNB via The Daily Star/Asia News Network

Opisyal nang magsisimula ang national vaccination program ng pamahalaan oras na dumating ang mahigit isang milyong doses ng COVID-19 vaccine.

Ayon kay National Task Force against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., ito anya ay kasunod ng inaasahang pagdating ngayong araw ng mga bakuna mula sa Sinovac at bukas naman ang sa AstraZenica.

Sabi ni Galvez sa 600,000 doses ng COVID-19 vaccine ng Sinovac na donasyon ng China sa Pilipinas, 100,000 doses nito ang ilalaan sa military.

525,600 doses naman ng bakuna ng AstraZeneca galing sa COVAX facility ang darating bukas, araw ng Lunes.

Ang mga nasabing bakuna sabi ni Galvez ay ilalaan sa Philippine General Hospital at iba pang mga major hospital sa bansa.

Nauna nang binigyan ng Food and Drugs Administration (FDA) ng emergency use authorization (EUA) ang mga bakuna ng  Pfizer, AstraZeneca, at Sinovac.

Sabi ni Galvez, “Ito po ay isang pagpapatunay na ang lahat ng mga bakuna na ating ituturok sa ating mga kababayan ay ligtas at epektibo.”

Kaugnay nito, hinikayat ng opisyal ang publiko na magparehistro sa kanilang mga barangay upang makapagpabakuna.

Target ng pamahalaan na mabakunahan ang nasa 50 hanggang 70 milyong indibidwal ngayong taon.

Inaasahang pangungunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagsalubong sa mga bakuna ng Sinovac mamayang hapon sa Villamor Airbase sa Pasay City.

TAGS: astrazenica, covid 19 vaccine, pgh, president duterte, Sec. Carlito Galvez, Sinovac, astrazenica, covid 19 vaccine, pgh, president duterte, Sec. Carlito Galvez, Sinovac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.