“Pekeng” surveys huwag paniwalaan – kampo ni Binay

By Marilyn Montaño April 06, 2016 - 03:33 PM

binay-0315Nagbabala ang partido ni Vice President Jejomar Binay na United Nationalist Alliance (UNA) sa publiko na huwag agarang magpapaniwala sa mga “trending surveys” na nagpapakita ng pekeng two-way race bagamat mahigpit ang labanan para sa pagka-presidente.

Ayon kay Joey Salgado, Communications Director ng UNA, pilit na niloloko ng mga “trending surveys” na dalawang kandidato na lamang ang naglalaban para sa pagka-presidente, bagay na hindi makatotohanan.

Ang totoo anya ay mahigpit pa ang laban para sa pagka-pangulo at wala pang nakikitang clear winner sa puntong ito. dapat aniyang maging mapanuri ang mga botante ngayon dahil naglipana na ang mga surveys dahil sa papalapit na ang araw ng eleksyon.

Kinuwestiyon rin ng tagapagsalita ni Binay ang nauna nang pinabulaanang survey na isinagawa sa gitna ng semana santa. hindi anya nagsasagawa ng surveys sa panahong ito dahil ang mga botante ay nananampalataya o kaya nama’y nagbabakasyon.

Napuna rin ng kampo ni Binay ang pagtatapos ng survey sa unang araw ng Abril na kilalang april fool’s day, bagay na lalong nagbigay ng duda sa resulta nito.

Mas importante umano kaysa sa mga resulta ng surveys ang pagsisikap ni Binay na marinig at masolusyunan ang problema ng mga mahihirap. Ang kakayahan at karanasang dala umano ng mga kandidato lamang ang importante sa puntong ito.

TAGS: VP Binay, VP Binay

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.