Aprubado na ang United States government ang paggamit ng single-dose na COVID-19 vaccine ng Johnson & Jonhson.
Sa anunsyo ng US Food and Drug Administration, pinayagan ang emergency use authorization ng bakuna para 18-anyos pataas kasunod ng endorsement ng panel of outside expert ng ehensya.
Sa ginawang global trial ng J&J sa 44,000 na indibidwal napatunawan na 66 na porsyento itong mabisa at kayang ma-prevent ang pagkakaroon ng moderate-to-severe COVID-19 matapos ang apat na linggong pagbabakuna.
“This is an emergency use authorization to really mitigate hopefully the devastating effects of the current pandemic,” sabi ni FDA director of the office of vaccines research and review Marion Gruber.
Mayroon ding bahagyang ‘serious side effects’ na naiulat sa ginawang trial.
Ang nasabing bakuna rin ay nakapagpapababa ng asymptomatic infections.
Maari ding maibyahe at mailagay sa normal refrigerator temperatures ang nasabing bakuna ng J&J.