525,600 doses ng Covid 19 vaccine ng AstraZeneca darating sa bansa sa Lunes
By: Chona Yu
- 4 years ago
Darating na sa bansa sa Lunes, Marso 1 ang 525,600 doses ng bakuna kontra Covid 19 na gawa ng kompanyang AstraZeneca.
Ito ang kinumpirma nina Presidential Spokesman Harry Roque at Senador Bong Go.
Ayon kay Roque, bahagi ito ng makukuha ng Pilipinas sa Covax facility.
“Kinukumpirma ko po na parating po ang 525,600 dosages po ng AstraZeneca itong darating na Lunes, 12:15 ng hapon. Ito po ay kabahagi nung makukuha ng Pilipinas galing sa COVAX facility. Meron po tayong inaasahan na 5.2 hanggang 9.2 million AstraZeneca dosages from the COVAX facility,” pahayag ni Roque.
“Nagpapasalamat po tayo kay Ambassador Pruce ng Inglatera dahil ang kanyang intercession po ang naging dahilan kung bakit napabilis po ang pagdating ng AstraZeneca sa Pilipinas. Nagpapasalamat din po tayo siyempre po sa COVAX facility, sa World Health Organization, sa UNICEF, sa Gavi, sa CEPI at saka sa Global Alliance against COVID-19,” pahayag ni Roque.
Ayon kay Roque, nagpapasalamat si Pangulong Duterte kay Ambassador Pruce ng Inglatera at sa iba pa dahil sa pagdating ng bakuna.