LGUs puwede nang tumanggap ng donasyong bakuna mula pribadong sektor, kapwa LGUs
By Jan Escosio February 27, 2021 - 04:56 PM
Sinabi ni Senator Francis Tolentino sa pagpirma ni Pangulong Duterte sa “COVID-19 Vaccination Program Act,” mapapabilis na ang pagbili at pagtuturok ng COVID-19 vaccines.
Ayon sa senador pinapayagan na ng batas ang LGUs na tumanggap ng donasyong bakuna mula sa mga kapwa LGUs at pribadong sektor.
Ito ang inihirit ni Tolentino nang sumalang sa deliberasyon ang naturang panukalang-batas sa Senado.
Sa batas, ang mga donasyong bakuna ay kinakailangan na naka-rehistro sa Food and Drug Administration (FDA) at may Emergency Use Authorization (EUA) bago tanggapin ng LGU beneficiary.
Pagkatapos nito ay iuulat ang donasyon sa Department of Health (DOH) at National Task Force Against COVID-19 (NTF).
Paliwanag pa ni Tolentino hindi mababago ng naturang batas ang mga umiiral na batas ukol sa donasyon, partikular na ang
Civil Code of the Philippines dahil ito ay pansamantala lang at may ‘expiry date.’
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.