Resignation ni Secretary Abaya inihirit ni Senator Bongbong Marcos

By Jimmy Tamayo April 06, 2016 - 02:00 PM

Bongbong Marcos2Nanawagan si Vice Presidential Candidate Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ng resignation ni Transportation Secretary Jun Abaya.

Sinabi ni Senator Marcos na ang departmento ni Abaya ang nagbibigay ng malaking problema sa pamahalaan.

Dismayado si Marcos dahil mula nang maupo si Abaya sa DOTC ay wala siyang nakitang mabuting pagbabago sa kagawaran.

Sa halip,  panay kapalpakan aniya ang nangyari  at ang pinaka-huli dito ay ang limang oras na brownout sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 na nagresulta sa pagkansela ng biyahe ng maraming airlines.

Ang insidenteng ito rin aniya ay ilan lamang sa pagpapakita ng “incompetency” ni Abaya bukod pa sa lumalalang kundisyon ng MRT.

Dagdag ng senador na matagal na niyang ipinapanawagan ang pagbibitiw sa pwesto ni Abaya dahil hindi aniya nalalaman ng kalihim ang kanyang trabaho.

TAGS: BongbongMarcos, DOTC, Sec Abaya, BongbongMarcos, DOTC, Sec Abaya

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.