(Courtesy: DAR)
Pinaiksi ng Department of Agrarian Reform (DAR) ang proseso ng pamamahagi ng lupa sa ilalim ng land acquisition and distribution (LAD) component ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).
Ayon kay DAR acting Undersecretary Field Operations Office Elmer Distor, sa halip na anim na buwan, apat na buwan na lamang ang magiging proseso.
Minamadali aniya ng DAR ang pamamahagi ng lupa alinsunod na rin sa utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na tapusin ang pamamahagi ng lupa bago matapos ang kanyang termino sa Hunyo 2022.
“Ngayong pinasimple na ang proseso ng pagkuha at pamamahagi ng lupa, tiwala kami na matutupad sa lalong madaling panahon ang mga pangarap ng ating mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) – na magkaroon ng sariling lupa,” pahayag ni Distor.
Sinabi ni Distor na nauunawaan niya ang damdamin ng mga magsasaka, na karamihan ay naghintay na nang mahabang panahon para sa katuparan ng kanilang mga pangarap – ang magkaroon ng sariling lupang sakahan.
“Ito mismo ang dahilan ng pagsasaayos ng proseso upag mapaikli ang paghihintay at lalong mapasaya ang ating mga magsasakang-benepisyaryo,” ani Distor.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.