Manny Pacquiao pagbabawalang mag-training tatlong araw bago ang laban

12966273_1077916435562907_1415758576_n
Kuha ni Francis Ochoa,PDI Asst Sports Editor

Pagbabawalan na ni Coach Freddie Roach na sumailalim sa matinding training si Pambansang Kamao Manny Pacquiao tatlong araw bago ang laban kay American Boxer Timothy Bradley sa MGM Grand Arena sa Las Vegas sa April 9.

Sa ulat ni Francis Ochoa ng Philippine Daily Inquirer na ngayon ay nasa Amerika, ayaw kasi ni Roach na magkaroon pa ng injury si Pacquiao.

Ibubuhos na lang aniya ni Pacquiao ang lahat ng lakas nito sa mismong laban para masiguro ang panalo kontra kay Bradley.

Mahigpit na binabantayan ngayon ng kampo ni Pacquiao ang isang boxing analyst na kinuha ng kampo ni Bradley.

Kanina ay nagkaroon ng official welcome kina Pacquiao at Bradley sa MGM Grand.

Sa Biyernes ay sasailalim na sa weigh in ang dalawang boksingero.

Ito na ang ikatlong pagkakataon na magbabakbakan sina Pacquiao at Bradley.

Read more...