2,651 na bagong kaso ng Covid 19 naitala ng DOH

By Chona Yu February 26, 2021 - 05:02 PM

Nakapagtala ang Department of Health ng 2,651 na panibagong kaso ng Covid 19 sa bansa.

Dahil dito, nasa 571,327 na ang kabuuang bilang ng mga nag-positibo sa naturang sakit.

Ayon sa DOH, 46 ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi. Sa kabuuan, nasa 12, 247 na ang death toll.

Aabot naman sa 561 ang nakarekober dahilan para pumalo sa 524,582 ang kabuuang bilang.

Nasa 34,498 ang active cases kung saan 88.4% ang mild, 6.4% ang asymptomatic, 2.1% ang severe, at 2.3% ang nasa critical condition.

TAGS: COVID-19, department of health, new cases, COVID-19, department of health, new cases

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.