Mga estudyante muling hinikayat na pumasok sa government internship program ng DOLE

By Erwin Aguilon April 06, 2016 - 11:53 AM

dole-logoHinimok ng Department of Labor and Employment ang mga estudyante na pumasok sa kanilang Government Internship Program o GIP.

Ayon kay DOLE Secretary Rosalinda Baldoz, isa sa karaniwang problemang kinahaharap ng mga fresh graduates ay ang mga kumpanyang naghahanap ng working experience, at ang GIP aniya ang solusyon dito.

Ayon sa kalihim, ang internship na ito ay angkop na training ground na magbibigay pundasyon sa work experience ng mga gagraduate at magbibigay sa kanila ng pagkakataong makapaglingkod sa publiko.

Ipinagmalaki rin ng kalihim na mula 2012, kung kailan unang inilungsad ang GIP hanggang 2015, ay nakapagtala na sila ng 32, 625 na mga interns na kanilang natulungan.

Muli namang nagiimbita ang ahensya sa mga interesadong aplikante na nasa edad 18-30, na magsadya lamang sa tanggapan ng DOLE dala ang mga requirements tulad ng: Transcript of record, resume, certificate of indigency mula sa baranggay at birth certificate.

TAGS: DOLE, graduates, internship program, DOLE, graduates, internship program

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.