Barilan ng PNP at PDEA agents sa QC, iimbestigahan ng Kamara
(File photo)
Sisimulan na ng Kamara sa Marso 1 ang imbestigasyon kaugnay sa nangyaring barilan sa pagitan ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency at Philippine National Police sa Commonwealth Avenue, Quezon City kamakailan.
Ayon kay Surigao del Norte 2nd District Congressman Robert Ace Barbers, chairman ng Senate committee on Dangerous Drugs, masyado kasing sketchy ang mga impormasyon sa naturang insidente.
Moto propio aniya ang gagawing imbestigasyon ng kanyang komite.
Marami aniyang anggulo ang hindi nalilinawan.
Una nang nanindigan ang PDEA at PNP na parehong lehitimo ang buy bust operation na nauwi sa engkwentro.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.