PNP, PDEA puwedeng napaglaruan ng drug-syndicate – PDEA chief

By Jan Escosio February 25, 2021 - 06:16 PM

Photo credit: Sen. Richard Gordon

Hindi isinasantabi ni PDEA Director General Wilkins Villanueva ang posibilidad na ang engkuwentro sa pagitan ng kanilang mga ahente at pulis-Quezon City sa Commonwealth Avenue ay kagagawan ng sindikato ng droga.

Sa sabay na pagharap nina Villanueva at PNP Chief Debold Sinas sa mga mamamahayag sa Camp Crame, nabunyag na apat ang nasawi sa insidente, dalawang pulis, isang PDEA agent at isang informant ng PDEA.

Bukod dito, may isa pang pulis at tatlong PDEA agents ang sugatan.

“It is too early to say that we were toyed with, this is the subject of our investigation. But it is possible that we were toyed with here,” sabi ni Villanueva patukoy sa sindikato ng droga.

Pag-amin niya may mga pagkakataon na na-‘set up’ ng mga sindikato ang kanilang mga ahente.

Ayon pa sa opisyal maaring ang mga impormante nila at ng Quezon City Police District ay binigyan ng mga maling impormasyon.

Hindi na muna nagbigay ng ‘operational details’ si Villanueva sa katuwiran na nag-iimbestiga na ang binuong PNP – PDEA Special Board of Inquiry.

Una nang itinalaga ni Sinas ang CIDG para pamunuan ang pag-iimbestiga sa panig ng PNP.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.