Ngunit pagdidiin ng senadora mas naging kahiyahiya pa ang bansa nang tanggihan ang alok ni Labor Sec. Silvestre Bello III ng United Kingdom.
“Nakakahiya – ngayon na nareject pa! Please don’t barter our nurses for vaccines we should be buying for them and for the Filipino people. What a useless and demeaning offer, tigilan yan!’ ang may gigil na pahayag ni Marcos.
Pagdidiin pa niya, hindi baboy ang mga nurse na ibinebentang buhay para lang magkaroon ng bakuna para sa mga Filipino.
Matutuwa aniya siya kung aalukin ng magandang trabaho at benepisyo ng UK ang mga Filipino nurses.
“Siyempre kung aalukin ating mga nurse ng maayos na trabaho, maganda yun, kailangan natin yun kaya malaking thank you sana. Pero hindi natin sila ibinebentang buhay para sa bakuna,” sabi pa ni Marcos.