Shootout ng mga pulis-QC at PDEA agents iimbestigahan sa Senado
Inanunsiyo ni Senator Ronald dela Rosa na iimbestigahan ng pinamumunuan niyang Committee on Public Order and Dangerous Drugs ang nangyaring barilan sa pagitan ng mga pulis at PDEA agents sa Commonwealth Avenue, Quezon City kahapon.
Kasabay ito ng utos ni Senate Presidente Vicente Sotto III na naghain na ng resolusyon para mabigyan linaw ang tunay na pangyayari.
Ayon pa rin kay dela Rosa, sa kanyang palagay ay may naging pagkukulang sa koordinasyon at kung may tamang koordinasyon naman ay may naging kapabayaan para maipaalam ito sa operating units.
Dagdag pa niya inaasahan na sa ikakasang pagdinog ay lalabas ang katotohanan at mabibigyan oportunidad ang lahat na sangkot na ipaliwanag ang kanilang panig
“We seek to be enlightened in this proceeding but one thing is for sure, there were fatal casualties and we do not want that to ever happen again—most especially between our own government forces,” ayon pa kay dela Rosa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.