Ilang senador hiniling na payagan si Sen. Leila de Lima makadalo sa sesyon at pagdinig ng Senado

By Jan Escosio February 25, 2021 - 12:59 PM

Naghain ng resolusyon ang ilang senador para payagan si Senator Leila de Lima na makadalo sa mga sesyon at committee hearings sa pamamagitan ng teleconference mula sa PNP Custodial Center.

Pirmado ng minority senators – Frank Drilon, Franc Pa ngilinan at Risa Hontiveros, ang Resolution No. 658, gayundin ni Senate President Pro Tempore Ralph Recto.

Ikinatuwiran ng mga senador, posible naman ang kanilang hinihiling dahil sa pamamagitan ng teleconferencing ay nakadalo sa mga pagdinig sa kanyang mga kaso sa Muntinlupa City.

Dagdag pa nila, hindi naman ipinagbabawal sa mga nakakulong na mambabatas na gawin ang kanilang trabaho hanggang hindi sila lumalabas ng kulungan.

Binanggit sa resolusyon ang desisyon ng Korte Suprema noong 2008 kay Sen. Antonio Trillanes IV na noon ay nakakulong din sa Camp Crame dahil sa kasong mutiny.

“In 2010, the Senate adopted Resolution No. 7 and concurred with the opinion of the Senate Legal Counsel that the collective wisdom and judgment of the Senate is greatly diminished, if not impaired, even if only one seat in the Senate is made unnecessarily vacant,” ang nakasaad din sa resolusyon.

Higit apat na taon na sa kulungan ang senadora base sa mga drug-cases, na iginigiit na gawa-gawa lang  at panggigipit sa kanya ng kasalukuyang administrasyon.

Isa sa tatlong kaso niya ang ibinasura dahil sa kabiguan ng prosekusyon na magprisinta ng mga matitibay na ebidensiya at testimoniya.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.