Walang bagong overseas Filipino na gumaling at nasawi dahil sa COVID-19 – DFA
May isang bagong napaulat na nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang February 24, nasa 14,872 na ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 87 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 4,491 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Wala namanng bagong gumaling kung kaya 9,366 pa rin ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Wala ring bagong napaulat na nasawi.
Dahil dito, 1,015 pa rin ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Middle East/Africa na may 8,131 na kaso.
Sumunod dito ang Europa na may 2,949 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 872 naman ang kaso sa Americas at 2,920 sa Asia Pacific Region.
Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.