50-percent efficacy rate ng Sinovac, sapat para bigyan ng proteksyon ang health workers at senior citizens – Rep. Garin

By Erwin Aguilon February 24, 2021 - 05:15 PM

Iginiit ni dating Health Secretary at ngayon ay Iloilo Rep. Janette Garin na mali ang naging interpretasyon ng Food and Drugs Administration (FDA) ang emergency use authority (EUA) na iginawad para sa Sinovac COVID-19 vaccines.

Ayon kay Garin, sapat ang mahigit 50-percent efficacy rate ng Sinovac COVID-19 vaccines para bigyan ng proteksyon ang healthcare workers ang mga nakatatanda kontra sa nakakamatay na respiratory disease.

Payo nito sa FDA at ang Department of Health o DOH na i-review ang EUA ng Sinovac at makipag-usap sa mga eksperto.

Paliwanag nito, dumaan sa masusing pagsusuri bago pinayagang gamitin ng nasa anim hanggang pitong bansa na itinurok sa halos 30 milyong katao ang Sinovac.

Sa naging pahayag aniya ng FDA ay ipinagkakait nito sa healthcare workers at sa mga nakatatanda ang proteksyon laban sa COVID-19.

Binigyang diin ng kongresista na ang bakuna ay ligtas gamitin at hindi dapat ginagawang batayan sa pagsusuri sa bisa nito ang bansa na pinanggalingan ng mga ito.

Dapat ay makinig din aniya ang FDA sa mga sinasabi ng World Health Organization (WHO) accredited regulatory authorities dahil ang mga ito ay may sapat na kakayanan para makalikom ng kinakailagan na impormasyon at datos patungkol sa COVID-19 vaccines.

Bilang isang doctor, sinabi ni Garin na ang mga bakuna ay ginagawa para magsagip ng buhay kaya hindi dapat gawing basehan kung saan nanggaling ang mga ito.

Pinatatahimik naman ng mambabatas ang mga hindi eksperto sa bakuna dahil ang bawat maling impormasyon na lumalabas ay buhay aniya ng tao ang katumbas.

TAGS: 18th congress, doh, FDA, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Janette Garin, Sinovac, Sinovac COVID-19 vaccine, 18th congress, doh, FDA, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Janette Garin, Sinovac, Sinovac COVID-19 vaccine

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.