Ayon kay Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, ang pagpabor ng siyam sa 17 Metro Manila mayors sa MGCQ ay dahil inaasahan na ang pagdating ng mga bakuna laban sa nakakamatay na sakit.
Ngunit, sumuporta na ang lahat sa desisyon ni Pangulong Duterte dahil sa pagkakaantala ng pagdating ng bakuna.
Sinabi pa ni Olivarez, na siyang namumuno sa Metro Manila Council, sinusuportahan niya ang nais ng National Economic Development Authority (NEDA) na paluwagin ang quarantine status para mapasigla na ang ekonomiya ng bansa.
Ibinahagi niya na ang kanilang pamahalaang-panglungsod ay nagbigay na ng 20 percent down payment para sa pagbili ng paunang 200,000 doses ng AstraZeneca.