Dating PNP Chief Cascolan, itinalaga bilang Office of the President Undersecretary
Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si dating Philippine National Police chief Camilo Cascolan bilang undersecretary ng Office of the President.
Ginawa ng Pangulo ang pagtatalaga kay Cascolan ilang buwan matapos ang pagreretiro sa puwesto.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, nilagdaan ng Pangulo ang appointment ni Cascolan noong Pebrero 22.
“Kinukumpirma po natin na napirmahan na noong Lunes, Feb. 22 ang appointment paper ni dating PNP chief Camilo Cascolan bilang Undersecretary sa Office of the President. Welcome aboard, Usec. Cascolan,” pahayag ni Roque.
Itinalaga ni Pangulong Duterte si Cascolan bilang PNP chief noong Setyembre 20, 2020 at nagretiro noong Nobyembre 2020.
Si Cascolan ay pang-apat na Chief PNP sa ilalim ng Duterte Administration at miyembro ng PMA Class 1986.
Isa din si Usec. Cascolan sa mga nag-draft ng PNP Oplan Double Barrel na ang target ay mga malalaking isda sa illegal drug industry gayundin ang Oplan Tokhang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.