BREAKING: Kaso ng COVID-19 sa Pilipinas, lagpas 566,000 na

Higit 1,500 ang panibagong kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa Pilipinas.

Sa huling datos ng Department of Health (DOH) bandang araw ng Miyerkules (February 24), umabot na sa 566,420 confirmed cases ng nakakahawang sakit sa bansa.

Sa nasabing bilang, 30,970 o 5.5 porsyento ang aktibong kaso.

Sinabi ng kagawaran na 1,557 ang bagong napaulat na kaso ng COVID-19 sa bansa.

88.5 porsyento sa active COVID-19 cases ang mild; 5.9 porsyento ang asymptomatic; 0.80 porsyento ang moderate; 2.4 porsyento ang severe habang 2.5 porsyento ang nasa kritikal na kondisyon.

Nasa 22 naman ang napaulat na nasawi.

Dahil dito, umakyat na sa 12,129 o 2.14 porsyento ang COVID-19 related deaths sa bansa.

Ayon pa sa DOH, 392 naman ang gumaling pa sa COVID-19.

Dahil dito, umakyat na sa 523,321 o 92.4 porsyento ang total recoveries ng COVID-19 sa Pilipinas.

Read more...