Para sa Kaunlaran, Maguindanao dapat nang hatiin – Sen. Tolentino

By Jan Escosio February 24, 2021 - 02:22 PM

Isinusulong ni Senator Francis Tolentino ang paghahati ng Maguindanao.

Paniwala niya, mas bubuti ang lagay pang-ekonomiya at sitwasyong politikal sa Maguindanao kung ito ay mahahati sa dalawang lalawigan.

Sinabi ng namumuno sa Senate Committee on Local Government, hinog na ang panahon upang mahati sa ang Maguindanao sa katuwiran na mas mapapabilis ang pasok ng mga pangunahing serbisyo na may kinalaman sa edukasyon, kalusugan, at transportasyon maging sa mga liblib na komunidad.

Naghain ng panukala si Tolentino ang pangunahing na layong hatiin ang Maguindanao sa ilalim ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM)—ang Northern Maguindanao at Southern Maguindanao.

Paliwanag ng senador, bagama’t biniyayaan ng likas na yaman ang Maguindanao kabilang na ang Liguasan Marsh, hindi pa rin tuluyang makausad ang lalawigan tungo sa pag-unlad dahil sa ilang mga balakid na kinakaharap ng lalawigan

Sa ilalim ng partition plan, 12 munisipalidad ang bubuo sa lalawigan ng Northern Maguindanao at ang Datu Sinsuat ang itatalagang kapitolyo.

Samantala, 24 na bayan ang bubuo sa Southern Maguindanao at ang Buluan ang magiging sentro.

Naniniwala rin si Tolentino na pabor din ang mga Maguindanaoan sa kanyang panukala.

TAGS: Francis Tolentino, Inquirer News, Mindanao, Radyo Inquirer news, Francis Tolentino, Inquirer News, Mindanao, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.