FDA kinampihan ng isang kongresista sa pagbibigay ng EUA sa Sinovac

By Erwin Aguilon February 24, 2021 - 09:27 AM

Photo taken from UNB via The Daily Star/Asia News Network

Nakahanap ng kakampi sa Kamara sa katauhan ni Kabayan Rep. Ron Salo ang Food and Drug Administration makaraang bigyan ng emergency use authorization ang Sinovac ng China.

Ayon kay  Salo, nakikita niya ang “wisdom” ng FDA sa pag-iisyu ng EUA sa Sinovac sabay sabi na hindi ito ang pinaka-mainam na bakuna para sa mga medical frontliner at senior citizens.

May pinagbasehan anya ang FDA sa rekomendasyon tulad ng mga dokumento at clinical studies na dumaan sa mabusising pagsusuri.

Posible sabi ni Salo na binigyang-bigat ng FDA ang pagiging “vulnerable sector” ng mga nakatatanda at lebel ng “health risk” sa health workers na exposed sa COVID-19.

Aniya, ang mga bakuna na dapat iturok sa kanila ay hindi lamang dapat ligtas, kundi dapat ay may mataas na efficacy upang masiguro ang kanilang proteksyon.

Ayon pa kay Salo, may iba namang mga bakuna na nakatanggap na rin ng EUA, na kayang magbigay ng mas mataas na lebel ng proteksyon sa senior citizens at health workers.

TAGS: FDA, Rep. Ron Salo, Sinovac, FDA, Rep. Ron Salo, Sinovac

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.