Pinatitiyak ni Senator Christopher Go sa mga health expert ang kaligtasan at pagiging epektibo ng mga bakuna laban sa COVID 19.
Ito aniya ay para mawala ang mga pangamba at tumibay ang kumpiyansa ng mamamayan sa National COVID-19 Vaccine Roadmap.
Sinabi pa ng namumuno sa Senate Committee on Health, na ginagawa ng awtoridad ang lahat para makakuha ng sapat na suplay ng bakuna para sa mga Filipino.
Nais din ni Go na ipaliwanag ng mga eksperto lalo na ng Food and Drug Administration (FDA) ang mga dapat gawin at dapat pag-ingatan kapag nasimulan na ang vaccine rollout.
Hinihimok din ng senador ang FDA na ipaliwanag at linawin ang naging pahayag ni Dir. Gen. Eric Domingo na hindi inirerekomenda na iturok sa medical frontliners at senior citizens ang bakunang Sinovac na magmumula sa China.