Sa joint hearing ng House Committee on Basic Education and Culture at Committee on Higher and Technical Edcuation, in-adopt ng dalawang lupon ang House Resolution 1102 na ini-akda ni House Deputy Speaker Deogracias Savellano.
Nakasaad sa resolusyon na dapat suportahan ng DepEd at CHED ang mga guro sa bansa, na patuloy na naglilingkod sa harap ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Paliwanag nito, bilang pagtulong sa sakripisyo ng mga ito dapat mabigyan sila ng suplay ng mga face mask, alcohol at mga PPE na kanilang magagamit bukod pa sa bawas gastos na rin ito sa kanila.
Nakasaad din sa resolusyon na kung maari ay mapagkalooban ang mga guro ng laptops o tablets at internet connection, na magiging kapaki-pakinabang sa kanilang pagtuturo sa panahon ng remote o distance learning.