Panukala para bigyan ng mga PPE ang mga guro, lusot na sa komite sa Kamara
Aprubado na sa komite sa Kamara ang resolusyon na humihiling sa Department of Education at Commission on Higher Education na bigyan ng libreng face masks at personal protective equipment ang mga guro.
Sa joint hearing ng House Committee on Basic Education and Culture at Committee on Higher and Technical Edcuation, in-adopt ng dalawang lupon ang House Resolution 1102 na ini-akda ni House Deputy Speaker Deogracias Savellano.
Nakasaad sa resolusyon na dapat suportahan ng DepEd at CHED ang mga guro sa bansa, na patuloy na naglilingkod sa harap ng epekto ng COVID-19 pandemic.
Paliwanag nito, bilang pagtulong sa sakripisyo ng mga ito dapat mabigyan sila ng suplay ng mga face mask, alcohol at mga PPE na kanilang magagamit bukod pa sa bawas gastos na rin ito sa kanila.
Nakasaad din sa resolusyon na kung maari ay mapagkalooban ang mga guro ng laptops o tablets at internet connection, na magiging kapaki-pakinabang sa kanilang pagtuturo sa panahon ng remote o distance learning.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.