Anti-Discrimination clause sa Senate Bill No 2057, inilaban ni Sen. Tolentino
Upang hindi makaranas ng diskriminasyon dahil sa kawalan ng COVID-19 vaccine card na ibibigay ng local government code sa mga mababakunahan, ipinasingit ni Senator Francis Tolentino sa Senate Bill No. 2057 ang isang probisyon.
Ayon kay Tolentino, hindi dapat gawing mandatory requirement sa mga transaksyon sa eskuwelahan, trabaho at mga ahensiya ng gobyerno ang vaccine card.
Kayat ipinasama ng senador ang anti-discriminatory amendment sa COVID-19 Vaccination Program Act na layong mapabilis ang pagbili at pagbabakuna ng proteksyon laban sa nakakamatay na sakit.
Bunga nito, hindi dapat makaranas ng anuman diskriminasyon ang mga estudyante, empleado, magsasaka, OFWs at iba kahit wala silang COVID-19 card.
Naipasa na sa third and final reading sa Senado ang panukalang batas matapos na rin itong sertipikahan na ‘urgent’ ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.