Subic Freeport, pangungunahan ang unang ‘bubble’ volleyball playoffs
Gaganapin ang kauna-unahang volleyball tournament sa gitna ng COVID-19 pandemic sa sand courts ng Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA) mula February 26 hanggang 28, 2021.
Ayon kay SBMA Chairman and Administrator Wilma Eisma, ang 2021 Gatorade-PSL Beach Volleyball Challenge Cup na inorganisa ng Philippine Super Liga (PSL) ay isasailalim sa “sports bubble” concept alinsunod sa mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF).
“Because of this, there will be no spectators to be allowed at the tournament area, and only players and organizers and technical crew will be out there,” pahayag ni Eisma.
Ipapalabas aniya ang liga via livestream sa telebisyon at online channels.
“It’s the second-best thing next to a playoff with live audience, and I believe the excitement and intensity of the games won’t be diminished a bit by the restriction,” dagdag pa nito.
Ani Eisma sa ilalim ng sports bubble concept, lahat ng manlalaro sa tournament, maging ang organizers at technical crew, ay pansamantalang mananatili sa accommodation facilities at tututukan ng health and safety personnel.
Wala rin aniyang magiging interaksyon ang mga manlalaro sa publiko.
Sinabi ng PSL na walong koponan ang maghaharap sa liga.
Ayon kay PSL chairman Philip Ella Juico, hindi magiging posible ang tournament kung wala ang suporta ng mga koponan, partners at maging ng IATF.
“By becoming the first volleyball league to restart its season in the coronavirus era, we have a very big responsibility to our players, coaches, team owners, the media, and other stakeholders,” ani Juico.
Tiniyak din nito na susundin ang lahat ng kinakailangang health and safety protocols alinsunod sa mga polisiya ng IATF, SBMA, at Department of Health.
Samantala, sinabi ni Eisma na ang PSL volleyball tournament ang una sa serye ng tourism-related events na inihanda sa Subic sa may bubble setup.
“We are also eyeing basketball events, beauty pageants, and conferences, which would be possible here because of facilities that allow social distancing, the availability of quarantine hotels where event participants can be housed in isolation, and strict adherence by stakeholders to health and safety protocols,” ani Eisma.
Nagsisilbi rin ang Subic Bay Freeport bilang crew change hub para sa international commercial vessels at pangunahan ang corporate jet maintenance bubble sa Subic Bay International Airport.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.