Ayon kay Rodriguez, kapag naging ganap na batas ang House Bill 6156 o ang Philippine Maritime Zones Act ay magagamit ito laban sa kontrobersyal na China Coast Guard Law.
Sa House Bill 6156, tutukuyin at idedeklara ang mga maritime zone sa ilalim ng hurisdiksyon ng Pilipinas, alinsunod sa United Nations Convention on the Law of the Sea.
Paliwanag ng mambabatas, mismong ang UNCLOS na rin ang nagpapahintulot sa mga party-state na i-define o tukuyin ang kanilang maritime territory.
Ang ilang teritoryo ng Pilipinas ay napaulat na inaako ng China at nagtayo pa ng military installations sa ilang maliliit na isla.
Ang nabanggit na batas ng China ay nagpapahintulot sa Coast Guard nila na gumawa ng aksyon gaya ng pagbuga ng tubig laban sa mga itinuturing nilang “intruder” o manghihimasok sa South China Sea, kung saan ilegal na kasama ang West Philippine Sea.
Sa ngayon nakabinbin pa rin ang panukala sa sa House Committee on Foreign Affairs.