PCG, tumatanggap ng donasyon para sa mga naapektuhan ng #AuringPH
Tumatanggap ang Philippine Coast Guard (PCG) ng mga donasyon para sa gagawing relief supplies transport mission sa Surigao del Norte at Surigao del Sur.
Ibibiyahe ang mga donasyon sa pamamagitan ng BRP Gabriela Silang sa araw ng Miyerkules, February 24.
Layong iabot ang mga donasyon sa mga biktima ng Bagyong Auring.
Maaaring maipadala ng ahensya ang food packs, purified drinking water, hygiene kits o toiletries, tents at sleeping kits, at maging rubbing alcohol
Maaaring ipadala ang mga donasyon sa National Headquarters, Port Area sa Maynila sa araw ng Martes, February 23.
Makipag-ugnayan lamang sa Coast Guard Public Affairs sa numerong 0927-560-7729 o 0930-377-5581.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.