Bilang ng mga sumailalim sa libreng mass swab testing sa Maynila, higit 80,500 na

By Angellic Jordan February 23, 2021 - 02:11 PM

Manila PIO photo

Nasa 80,531 na ang bilang ng mga indibidwal na sumailalim sa libreng mass swab testing ng lokal na pamahalaan ng Maynila.

Tuloy pa rin ang pagsasagawa ng home swabbing sa iba’t ibang barangay sa lungsod.

Hiwalay pa ito sa regular swab testing sa Quirino Grandstand, Delpan Quarantine Facility at Sta. Ana Hospital.

Wala ring patid ang swab testing para sa public utility drivers, mall workers, hotel employees at market vendors sa Maynila.

Sinabi ni Mayor Isko Moreno na layon ng libreng mass swab testing na matiyak ang kaligtasan laban sa banta ng COVID-19.

TAGS: free swab test in Manila, Inquirer News, libreng swab testing, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news, free swab test in Manila, Inquirer News, libreng swab testing, Mayor Isko Moreno, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.