Kaso ng COVID-19 sa mundo, umabot na sa 112.26 milyon

Pumalo na sa 112.26 milyon ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa huling tala, pumalo na sa kabuuang 112,263,225 ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa iba’t ibang bansa.

Nangunguna pa rin sa may pinakamaraming naitalang kaso ng COVID-19 ang Estados Unidos na may 28,826,307 cases.

Sumunod na rito ang India na may 11,016,434 na nagpositibo sa pandemiya.

Nasa 10,197,531 naman ang kaso sa Brazil habang 4,177,330 ang napaulat na kaso sa Russia.

Narito naman ang naitalang COVID-19 cases sa iba pang bansa at teritoryo:
– United Kingdom – 4,126,150
– France – 3,609,827
– Spain – 3,153,971
– Italy – 2,818,863
– Turkey – 2,646,526
– Germany –  2,399,500
– Colombia – 2,229,663
– Argentina – 2,069,751
– Mexico – 2,043,632

Samantala, lumabas din sa pinakahuling datos na umakyat na sa kabuuang 2,485,386 ang bilang ng nasawi sa iba’t ibang bansa.

Nasa 87,798,712 naman ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa buong mundo.

Read more...